Paano maalis ang puting buhok gamit lamang ang Lemon at coconut oil mixture

Sa panahon ngayon kung saan halos oras oras ng buhay ng isang tao ay pino-post sa social media, pinahahalagahan na natin ng sobra ang atin...

Sa panahon ngayon kung saan halos oras oras ng buhay ng isang tao ay pino-post sa social media, pinahahalagahan na natin ng sobra ang ating panlabas na kaanyuan. Wala namang masama sa bagay na ito dahil natural lang naman na gawin nating presentable ang ating mga sarili sa harap ng ibang tao upang tayo’y hindi mapahiya. Subalit, habang patagal ng patagal at tayo ay nagkaka edad, nagkakaroon na rin naman ng pagbabago ang ating anyo.

Ang datiing makinis na balat marahil ay kumukulubot na. Baka may mga wrinkles na sa noo at tigyawat na sa pisngi, at marami pang iba.

Isa pang pagbabagong ating mapapansin sa ating pagtanda ay ang pag-iba ng kulay ng ating buhok. Mula sa black o brown ay nagiging gray at white na ang ating buhok. Ito ay dahil habang tayo ay lumalaki, nababawasan na ang produksyn ng pigmeent cells na matatagpuan sa ibabang bahagi ng ating hair follicles. 

Direkta itong nakakaapekto sa kulay ng ating buhok kaaya kung mababa ang produksyon ng pigment cells ay pabawas din ang magiging kulay ng ating buhok, kaya nnagiging puti o kaya naman grey.

Sa natural na proseso ng buhay, lahat tayo ay tatanda. Darating tayo sa punto na talagang magiging putian na ang ating buhok at normal lang ito kaya hindi tayo dapat magktaka. Subalit, dapat ka nang mabaahala kung ang isang malusog na tao na edad 20-30 pa lamang ay nagsisimula nang pumuti ang buhok. Hindi ito normal, hindi it ayon sa natural na proseso. Kunddi, it ay dahil sa stress, polusyon, at iba pang bagay na dulot ng tao sa kaaniyang sarili.

Halimbawa na lamang kung ang isang tao ay may kakulangan sa Vitamin B. Kapag ganito ang kondisyonn ng isang tao ay asahan nang maagang magiging puti ang kaniyang buhok. Ang kakulangan kasi ng Vitamin B ay nagpapabilis sa proseso ng pagputi ng buhok kaya naman minsan ay makasusumpong rin tayo ng mga kabataang mayroon nang putting buhok. 

Upang masulusyunan ang problemang ito, ugakiing kumain ng mga pagkaing mayaman sa Vitamin B kagya na lamang ng itlog, gatas, manok, at mga lamang dagat gaya ng hipon. Ang Vitamin B ay konektado rin sa lakas ng pangangatawan kaya kailangan mo talagang dagdagan ang pagkonsumo mo ng mga pagkaing ito.

Bukod pa riyan, ang paninigarilyo ay isa ring sanhi ng maagang pagputi ng buhok. Napatunayan sa marani nang mga pananaliksik na ang mga taong naninigarilyo ay mayroon mas mataas na posibilidad na magkaroon ng putting buhok ng mas maga kaysa sa inaasahan. 

Ang tyansa na mangyari ito sa mga naninigarilyo ay dalawa, o tatlo pa, na beses na mas mataas kaysa sa mga hindi naninigarilyo. Ito ay isang factor na maaaring makontrol ng tao. Nasa sa’yo na kung gugustuhin mong itigil ito hindi lang para sa kulay ng iyong buhok kundi maging sa kabuuan ng iyong kalusugan. Ano man ang piliin mo, sana yun yung may malaking pakinabang ang iyong sarili.

Isa pa sa mga bagay na nakapagdudulot ng premature greying of hair ay ang pagka-stress. Alam naman nating lahat na kapag stressed ang isang tao ay talagang parang ang gulo gulo ng kaniyang mundo at hindi na malaman ang gagawin. 

Ang kondisyong ito ayy nakakaapekto sa kalusugan ng isang tao, pati na rin sa pagputi ng kaniyang buhok. May mga pagkakataon talagang hindi maiiwasan ang pagka-stress subakit kung ikaw man ay makaramdaam nito, wala rin namang masama kung ikaw ay titigil muna sa iyong ginagawa upang huminga lang sandali at ipahinga ang iyong isip att sarili sa mga bagay na nagpapa-stress sayo.


Bukod pa sa mga nabanggit na, marami pang ibang mga bagay na maaaring maging sanhi ng pagputi ng iyong buhok. Kabilangang na dyan ang pagiging exposed sa radiation at chemotheraphy. Ang dalawang ito ay may kaniya kaniyang pakinabang sa tao subakit hinddi mmaipagkakaila na mayroon din silang masamang maidudulot. 

Ang pagputi ng buhok ay maaari ring namana noo sa iyong mga magulang o iba pang miyenbro ng pamilya. Kung ganito nga ay ang iyong mga genes ang dahikan kung bakit mabilis pumuti ang iyong mga buhok. Bukod pa sa mga ito, ang kakulangan ng nutrisyon sa katawan o malnutrition, maging anv mga taong may nutritionnal defficiency at hormonal imbalance ay posible ring pumuti ang buhok kahit na siya’y bata pa.

At dahil nga hindi pa naman talaga panahon ng pagputi ng kanilang buhok, maraming mga tao ang umaasa sa oagkukulay ng buhok. Walang duda, ang hair dye ay nakakapagpabago ng kulay ng buhok ng isa tao ngunit, hindi nito nagagawang pigilan ito mula sa pinagmulan nito.

 Ang tanging magagawa nito lamang ay takpan ng ibang kulay ang bahagi kung saan mo ito inilagay. Isa pa, ang chemical compounds namatatagpuan sa mga pangkulay ng buhok ay masama rin para sa kalusugan ng ating mga hair follicles. Bukod sa pagputi ng buhok ay maaari pa itong ma-damaged.

Kung inaakala mo naman na tila ba walang nang ibang lunas ang kondisyong ito ay dyan ka nagkakamali. Mayroong mga alternatives na maaari mong gawin upang manunbalik ang dating masiglang kulay ng iyong buhok. Ang kagandahan pa nito ay hindi lang basta pagtakip ang kanilang maidudulot, talagang gagamutin nito ang pinagmumulan ng iyong problema. 

Siguro ay maaari mo rin itong tawaging hair dye subalot mula sa loob. At sa halio na kemikal ay mga natural na sangkap ang ating gagamitin dito. Kailangan mo lamang na maghanda ng dalawang bagay at iyoo ay ang lemon juice at coconut oil.

Ang dalawang sangkap na ito ay ang iyong magiging katuwang sa pagppapanumbalik ng magandang kulay ng iyong buhok. Paano makatutulong ang dalawang ito? Simple lang ang sagot. Ang lemon juice kasi ay mayaman sa Vitamin B at C. 

Nabanggit na kanina na posibleng dahik sa kakulangan ng Vitamin B kaya nagkakaganyan ang kulay ng iyong buhok, ito ang solusyon dyan. Sa kabilang banda naman, punong puno ng anti-bacteriak properties ang coconut oil, na magbibigay ng nourishment sa iyong ulo. At dahil sa mga ito ay tiyak na magbabalik na ang dating kulay ng iyong buhok at magiging mas maganda pa ito at matibay.

Napakasimple lang ng kailangang gawin upang mangyari ito. Kung may naihanda ka nang tatlong kitsafa ng lemon juice at 50 mm ng orgabic coconut oil, tara na’t simulan na natin ang paggawa. Paghahaluin mo lang naman ang dalawang sangkap na ito at pagkatapos ay mayroon ka nang ointment na ipapahit sa ulo. Kapag ginamit mo ito ay maghintay pa ng isang oras bago banlawan. Gawin ito isang beses isang linggo ng tuloy tuloy at makaaasa ka sa pinaka mahusay na resulta.

Name

Celebrities,3,Facts,3,Health,55,Lifestyle,4,Politics,5,Skin Care,5,
ltr
item
Elite News: Paano maalis ang puting buhok gamit lamang ang Lemon at coconut oil mixture
Paano maalis ang puting buhok gamit lamang ang Lemon at coconut oil mixture
https://1.bp.blogspot.com/-ZgyAWW8Z7Lo/WlctdpaCuzI/AAAAAAAAFoU/KmxrDMDY59Y0ni6rNZ0GWwKYZ3gSeTbpgCLcBGAs/s1600/22278818_1829668843729072_175818087_n.jpg
https://1.bp.blogspot.com/-ZgyAWW8Z7Lo/WlctdpaCuzI/AAAAAAAAFoU/KmxrDMDY59Y0ni6rNZ0GWwKYZ3gSeTbpgCLcBGAs/s72-c/22278818_1829668843729072_175818087_n.jpg
Elite News
http://www.elitenews.org/2018/01/paano-maalis-ang-puting-buhok-gamit.html
http://www.elitenews.org/
http://www.elitenews.org/
http://www.elitenews.org/2018/01/paano-maalis-ang-puting-buhok-gamit.html
true
3906866489673192567
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy