Benepisyo ng paginom ng mainit na tubig tuwing umaga

Paggising pa lamang natin sa umaga, may mga bagay na tayo na karaniwang ginagawa. Maaaring ang iba ay nag-eehersisyo ng ikang minuto, ang ...

Paggising pa lamang natin sa umaga, may mga bagay na tayo na karaniwang ginagawa. Maaaring ang iba ay nag-eehersisyo ng ikang minuto, ang ilan naman ay nagsisipilyo kaagad pagkagising na pagkagising. Mayroon din namang ibang tao na pinipiling humiga na lang muna ng kaunti pang sandali bago bumangon sa higaan. Ang mga bagay na ito na ating nakagawian ay parte ng ating “lifestyle”.

Isa pang “morning habit” na nakagawian nang gawin ng maraming tao ay ang pagkain ng almusal. Mula sa mga batang papasok sa eskwela hanggang sa mga taong kailangan nang pumunta sa trabaho, palaging may handang almusal si nanay para sa kanila. Minsan tinapay, minsan sinangag at ulam, at syempre, hindi mawawala ang mainit na kapeng pampagising sa umaga. Subalit, alam niyo ba na bago ka kumain ng kahit ano, may mabisang gawin upang mapaunlad ang iyong kalusugan?

Batid mo ba na kung ikaw ay iinom ng mainit o maligamgam na tubig sa iyong pagkagising, nang walang laman ang tiyan, ay mapapabuti mo ang proseso ng pagtunaw ng iyong mga kakainin. Magiging malusog ang iyong digestive system at mapaapaunlad mo pa ang iyong metabolism. Bukod pa dyan ay marami pang mabuting maidudulot ang pag-inom mo ng mainit na tubig sa umaga, bago ka kumain ng kahit ano. Halika at alamin natin kung ano ano ang mga ito.

Una sa ating listahan ay ang kakayahan nitong linisin ang ating katawan sa pamamagitan ng pagde-detoxify nito, o ang pag-alis ng mga toxins na nasa loob natin. Nabanggit ko kanina ang tungkol sa mga bagay na bumubuo ng ating lifesyle. Ngayon, nakasisiguro ka ba na ang mga bagay na iyong ginagawa at mga bagay na kinakain ay nakabubuti para sa iyo? Dahil kung hindi, mapupuno ng toxins ang iyong katawan. Kung mayroon kang unhealtht lifestyle, mabuti pa’t habang maaga ay baguhin mo na iyan. Simulann mo sa pag-inom ng maligamgam na tubig tuwing umaga upang malinis ang iyong katawan.

Nakakita niyo na ba o napansin ang iyong nanay o kapatid na babae na naglalagay sa kaniyang bandang puson ng tuwalyang ibinabad sa mainit na tubig? Kung ikaw ay lalaki, marahil ay ikaw ay nagtataka kung bakit nila ginagawa iyon. Para sagutin ang tanong na ito sa iyong isipan, sinusubukan ng iyong nanay o kapatid na ibsan ang sakit na kanilang nararamdaman dahil sa kanilang buwanang dalaw. Ang init na nagmumula sa tuwalya, o sa mainit na tubig, ay nagagawang “pakalmahin” at bawasan ang menstrual cramps. Kung ikaw naman ay babae, iminumungkahi ko ang pag-inom ng mainit na tubig sa umaga kung ikaw ay nakararanas ng ganitong uri ng pananakit ng katawan. Ang pag-inom ng tubig ay may kaparehong epekto ng tradisyonal na paglalagay ng bimpo sa may kalamnan, sapagkat nagagawa nitong paunlarin ang “capillary circulation”.

Kung ikaw naman ay naghahangan na gumanda ang katawan na tulad sa isang artista o modelo at magbawas ng timbang, inererekominda ko rin ang maligamgam na tubig paggising mo sa umaga. Mabisa ang paraan na ito dahil napapataas nito ang temperatura ng ating katawan, kaya naman napapaabilis din ang proseso ng ating metabolism. Kapag mabilis ang metabolism, mabilis din ang magiging pagtunaw ng mga calories na ating nakakain, na siyang pangunahing dahilan kung bakit nadadagdagan ang ating timbang.

Ang magandang metabolism o maayos na pagtunaw ng pagkain ay mabuti rin sa kalusugan, lalo na sa kalusugan ng digestive system. Ang maayos na pag- “breakdown” ng ating kinakain ay nagdudulot ng magandang proseso sa ating digestive tract. Dahil dito ay maaring maiwasan ang pagsakit ng sikmura dahil sa “indigestion”, iba pang kauri nito, maging ang paglaki ng tiyan at LBM.

Bukod sa kagustuhang magbawas ng timbang, marami rin ang naghahangad na mapanatili ang kanilang kagandahan. Marami ang nagnanais na manatili ang kanilang “baby face” at mabawasan kahit papaano ang epekto ng pagtanda sa kanilang panlabas na kaanyuan. Subalit dahil sa stress, polusyon at iba pa, tila ba mahirap nang makamit ang bagay na ito. Isang magandang balita para sa lahat dahil ang pag-inom ng mainit o maligamgam na tubig tuwing umaga sa iyong pagkagising ay makatutulong upang panatilihin ang iyong ganda. Oo, tama! Hinddi mo na kailanngan ng kung ano anong beauty products upang maging “flawless” ang iyong balat, kailangan mo lang uminom ng tubig!

Ang pagtanda kasi ng itsura o pre-mature aging ay bunga ng napakaraming toxins sa katawan. Gaya ng nabanggit na, ang toxins naman ay bunga ng unhealthy lifestyle. Kaya naman, ang pag-inom ng mainit na tubig ay makatutulong upang maialis sa ating katawan ang toxins na nagdudulot ng ating pagtanda. Bukod pa riyan ay mapapaunlad din nito ang ating Excretory System, o ang sistema ng ating katawan na ang pangunahing trabaho ay linisin o i-detoxify ang ating katawan.

Kung hindi pa sapat ang mga ito upang ikaw ay makumbinsi na uminom ng mainit o maligamgam na tubig sa umaga bago ka kumain ng kahit ano, bibigyan pa kita ng isang rason upang sumang-ayon sa amin. Alam mo ba na ang iyong kalusugan, sa kabuuan, ay mapapaunlad kung gagawin mo ito tuwing pagkagising sa umaga? Papaano ito posible? Ito ay dahil napapabuti rin ang circulation sa ating buong katawan, bunga ng mabuting detoxification na dulot ng pag-inom ng mainit na tubig. Kung maayos na naaalis ang mga toxins sa ating katawan ay wala nang babara o pipigil sa maayos ng circulation. Dahil dito ay posibleng tayo ay mas maging malusog at malayo sa ano mang karamdaman.

Hindi ba’t totoong napakahusay ang magagawa sa ating katawan ng simpleng pag-inom ng mainit na tubig sa umaga bago ang ano pa man. Isipin mo na lamang, isang bagay lamanh ito na iyong gagawin at napakarami ng mga benebisyo na maari mong makuha. Makakamit mo na ang iyong #bodygoals, mananatili ang iyong kagandahan, at ang pinakamainam sa lahat, magiging malusog ka pa! Ano pa ba ang dahilan na iyong kailangan? Wag nang magpatumpik tumpik pa at bumilang ka na rin sa mga taong gumagawa nito upang maranasan mo na rin ang mga mabubuting pagbabagong ito sa iyong katawan at sa iyong kalusugan.


Name

Celebrities,3,Facts,3,Health,55,Lifestyle,4,Politics,6,Skin Care,5,
ltr
item
Elite News: Benepisyo ng paginom ng mainit na tubig tuwing umaga
Benepisyo ng paginom ng mainit na tubig tuwing umaga
https://4.bp.blogspot.com/-4a8gO1KcpjY/WlWyUbMAo4I/AAAAAAAAFoE/MbDwoJtEuEUCfawpY6Pjo0vfxtQoJ7ibQCLcBGAs/s1600/22278818_1829668843729072_175818087_n.jpg
https://4.bp.blogspot.com/-4a8gO1KcpjY/WlWyUbMAo4I/AAAAAAAAFoE/MbDwoJtEuEUCfawpY6Pjo0vfxtQoJ7ibQCLcBGAs/s72-c/22278818_1829668843729072_175818087_n.jpg
Elite News
http://www.elitenews.org/2018/01/benepisyo-ng-paginom-ng-mainit-na-tubig.html
http://www.elitenews.org/
http://www.elitenews.org/
http://www.elitenews.org/2018/01/benepisyo-ng-paginom-ng-mainit-na-tubig.html
true
3906866489673192567
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy